Pagsikat at Paglubog ng Araw ☀️

(edited)

Magandang Umaga sa lahat, lalo na sa mga kapwa ko manunulat nawa'y maganda ang gising ninyu. Pinagtiyagaan kung magsulat ng sa gayon ako ay may maiiulat sa araw na ito hehe. So heto na nga po nais kung ibahagi ang aking mga plano sa weekend na to.

Unang una sa lahat, gumising nako ng maaga at hintayin ang pagsikat ng araw 🌞 at panoorin itong magbigay liwanag sa buong sanlibutan at pagkatapos ay maghanda sa magiging pakikipagsapalaran sa umagang kayganda.

Naging kasanayan ko na kasi na bawat sabado at linggo tutok lamang sa mga responsibilidad sa simbahan, na kung saan ay pagkukusa ko lamang.

So heto na nga guys, by morning plan ko maglinis ng church at pagkatapos punta ako ng store bibili ako ng pang premyo sa laro namin later mga 4 p.m sa aming Saturday class ng mga bata sa Bunhayag Kids (malayo layo sa aming bahay) nakasanayan ko na bigyang premyo ang sinumang makakasagot sa aking mga tanong patungkol sa kung ano ang lesson namin sa nakaraan

IMG_20240516_214242.jpg (watching this sunrise define my days to be brighter and brighter than the rays of the sun)

IMG20240516233511.jpg (heto nga pala yung lesson na aming tatalakayin sa aming session, nasa lesson 5 na kami na kung saan ay pag uusapan namin ang buhay ni Moses o Moises sa English na kung saan ay nagpapakita na God wil show the way to all His children in this world anumang pagsubok ang haharapin)

IMG_20240516_214330.jpg Pangalawang Plano for this weekend ay ang panoorin na lumubog ang araw na kung saan ay isa din sa aking comfort zone pagkatapos ng aking klase sa mga bata, sinasadya ko talagang pumunta rito upang mag meditate sa buhay, nais kong e buod lahat ng ganap sa aking buhay the entire two days of weekend, tapos paalalahanan ko ang aking sarili na kailangan kung maging matatag kung ano man ang dadalhin ng bagong araw sa aking munting kasiyahan na siyang magiging kahulugan upang ipagpatuloy ko ang buhay sa kabila ng maraming balakid na aking madadaanan.

This coming week will be the deliberations, ranking of all honor students in each level, lalo sa amin Grade 12 kung sino man ang magiging valedictorian ay syang makakatanggap ng 10k monetary assistance na syang kontrata ng isang kakilala ng school na kung saan ay nasa ibang bansa na ngayon, medyo kabado kasi I did my very best sa una at pangalawang semester para maging deserving na maging Top 1 pero lahat ng ito ay ipinaubaya ko na sa kataas taasan and claiming to be what I want to be. It is all by His will alone.

Kaya yon ang nais kung iparating sa "pagsikat at paglubog ng araw" na kung saan ay pinaplano kung gagawin sa darating na weekend

Muli,
@jessmcwhite
Maraming salamat sa pagtitiyagang basahin aking kwento sa araw na to🥰

0.00324926 BEE
6 comments

Congratulations @jessmcwhite! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)

You received more than 4750 upvotes.
Your next target is to reach 5000 upvotes.

You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word STOP

0.00001943 BEE

Love the tagalog🙌🙌 so happy to see more tagalog on hive🧡

0.00001821 BEE

Ui ayos napaka fruitful nang iyong plano ngayong weekend! Ramdam ko ang excitement mo sa weekend na magaganap dito.

Nawa''y bigyan ka pa ng Diyos nang ibayong kalakasan sa iyong gagawin.

0.00001701 BEE

Maraming salamat po😇

0E-8 BEE
(edited)

Mukhang magiging busy ka this weekend ah, the kind na masaya and fulfilling weekend. Good luck sa mga plano, sana ay mairaos ng maayos ang lahat.

0E-8 BEE

Salamat PO

0E-8 BEE

Ganda ng plano mo sa weekend mag serve sa church at ipagkaloob ikaw ang hiranging Valedectorian.

0E-8 BEE

Ang lugar ay perpekto talaga para sa meditation activities, dahil sa ganda ng lugar.

0E-8 BEE