Mainit ang kasalukuyang political issue sa bansa. Nakakainis man ang mga pangyayari, helpless ang pakiramdam ng marami. Ang tanging paraan para mailabas ang saloobin ay sa pamamagitan ng pagpuna sa social media. Ang nakakalungkot, karamihan ng mga puna ay nahahati sa dalawang panig na lalong nagpapalalim sa pagkakahati-hati ng sambayanan.
Bagama't tumigil na ako sa pagsubaybay sa mga kaganapan pangpolitika sa bansa sa halos magdadalawang dekada na, sa dahilan na sa aking pananaw ay sarsuela lang ang lahat, maliban na mabago ang pananaw ng mga mamamayan sa papel ng civil government, kahit sino pa ang maupo sa pinakamataas na opisina ng bansa, wala tayong maaasahan na substantial na pagbabago sa antas ng pamumuhay ng mga ordinaryong Filipino.
Ang mga kasalukuyang kaganapan ay nagpaalala sa akin ng isang artikulo tungkol sa statesmanship na aking isinulat 13 taon na ang nakakalipas. Sa dahilan na ito ay sinulat ko sa wikang Ingles; naisip ko na mas mainam kung ito ay isalin sa wikang Filipino at i-update para mas lalong maintindihan ng aking mga kababayan.

Ito ang salin sa wikang Filipino ng artikulo na isinulat ko noong Hunyo 3, 2013:
Sa pagbabasa ng artikulo ng The Freeman, Isyu ng Hulyo – Agosto 2012, marami akong natutuhan tungkol sa statesmanship. Ang artikulo ay isinulat ni Lawrence E. Reed. Ito ay tungkol kay Grover Cleveland. Ang pamagat ng artikulo ay "Cleveland Passed the Test of Character and Statesmanship."
Ipahintulot ninyong hatiin ko ang mga aral sa statesmanship sa dalawang bahagi: mga kaisipan tungkol sa pagiging statesman at mga katangian ng isang statesman.
Ang mga kaisipan tungkol sa statesmanship ay hinango mula sa dalawang uri ng pinagmulan. Ang isa ay mula sa mga sikat ngunit nakalimutan na kasabihan na isinulat ng may-akda, at ang isa naman ay mula sa mismong pagninilay ng may-akda. Nakakita ako ng tatlong kaisipan na may kaugnayan sa pagiging statesman:
Taxation
Ang unang kaisipan ay tungkol sa taxation. Pinasikat ni Grover Cleveland ang pahayag na:
Bagama't sinusuportahan ng mamamayan ang pamahalaan, hindi tungkulin ng pamahalaan na suportahan ang mamamayan.
Ang pahayag na ito ay itinuturing na hindi sikat o hindi katanggap-tanggap sa pamantayan ngayon. Sinasalungat ng opinyong publiko ang kaisipang ito. Humihingi ang mga tao sa estado na sila ay tustusan. Gayunpaman, upang mapagbigyan ang hinihingi ng mga tao, kailangang palawakin ng pamahalaan ang kapangyarihan nito at ang pangongolekta ng buwis. Nang hindi namamalayan, ang ganitong kalakaran ay hindi kapaki-pakinabang sa publiko sa pangmatagalan. Humahantong ito sa pagsupil sa kalayaan.
Ang isang kaugnay na pahayag mula kay Cleveland ay isang angkop na pambabatikos sa gayong pagpapalawak ng kapangyarihan ng pamahalaan:
Kapag ang higit na bahagi ng ikabubuhay ng mamamayan ay sapilitang kinukuha sa pamamagitan ng pagbubuwis nang higit sa kinakailangan upang matugunan ang makatwirang obligasyon ng pamahalaan, ang gayong paniningil ng sapilitan ay nagiging isang lantarang pangkakamkam at paglabag sa mga pangunahing prinsipyo ng isang malayang pamahalaan.
Pansinin dito na sa opinyon ni Cleveland, ang welfare state ay aktwal na humahantong sa “lantarang pangkakamkam” at taliwas sa karakter ng isang malayang pamahalaan. Tama ang mga libertarian na kapag nakita ng mga tao na itinuturing ng pamahalaan na tungkulin nitong suportahan ang mamamayan, sa halip na matuwa sa “kabutihang-loob” ng pamahalaan, ang mga tao ay dapat maging maingat at magsilbi itong babala. Ito ay isang indikasyon ng interventionism tungo sa sosyalismo. Bukod dito, isa rin itong indikasyon na sinusupil ang ekonomiya ng malayang pamilihan (free market economy).
Political Loyalty
Ang ikalawang kaisipan ay nakatuon sa loyalty. Inilarawan ng isang nagngangalang Brodsky si Cleveland bilang “pinakabihira sa mga politikal na nilalang” na ang pinakamataas na katapatan ay hindi sa partido, kundi sa bansa. Ang sikat na kasabihang “Ang pampublikong tungkulin ay isang pampublikong pagtitiwala” (Public office is a public trust) ay hindi lamang mabulaklak na salita, kundi isang katotohanan para kay Cleveland.
Ito ay nagpapaalala sa akin sa winika ni Manuel L. Quezon noong February 17, 1922:
My loyalty to my party ends where my loyalty to my country begins.
Mukhang karamihan ng mga politiko sa ngayon ay kabaliktaran ang pananaw:
My loyalty to my country ends where my loyalty to my party begins.
Candidates' Qualifications for Public Office
At ang ikatlo at huling kaisipan ay nakasentro sa mga kwalipikasyon ng kandidato para sa pampublikong tungkulin: honesty and statesmanship.
Ito ay nagpapaalaala sa akin sa sikat na awitin ni Billy Joel:
Honesty is such a lonely word. Everyone is so untrue.
Ang lyrics ng awit na ito ay hindi lamang tumutukoy sa romantic relationship. Ang mga salitang ito ay napapanahon sa takbo ng politika sa bayan.
Balik tayo kay Leonard Reed.
Inilarawan ni Reed ang honesty ni Cleveland “na lubos na walang kapintasan at hindi siya naging corrupt hanggang sa lisanin niya ang kaniyang tungkulin.”
Ang ikalawang kwalipikasyon ay ang pagiging statesman. Kung tayo ay naghahanap ng kandidato para sa pampublikong tungkulin, ang kandidato na dapat hanapin ng mga botante ay hindi lamang isang politiko, kundi isang statesman. Napapanahon ang paglalarawan ni Reed: “Ang bawat statesman ay politiko rin, ngunit hindi lahat ng politiko ay statesman.”
Sa isang bansang ang pamahalaan ay mas nagiging mapanghimasok sa paglipas ng mga taon, ang pagiging statesman ay mahirap nang matagpuan sa mga politiko. Ang katangian ng isang Grover Cleveland ay bihirang makita sa panahong ang mga tao ay hindi namamalayang patungo na sa isang sosyalistang estado. Gayunpaman, umaasa tayo na ang mga kaisipang libertarian ay magtuturo sa dumaraming bilang ng mga tao sa pamamagitan ng internet upang ang pagpapahalaga sa pagiging statesman ay maging bahagi ng opinyong publiko. Narito ang listahan ng mga katangian ng isang statesman ayon sa pakahulugan ni Lawrence E. Reed:
Hindi niya hinahangad ang pampublikong tungkulin para sa personal na pakinabang o dahil ito lamang ang trabahong alam niyang gawin.
Naninindigan siya para sa isang may prinsipyong pananaw, hindi para sa kung ano ang iniisip niyang kakagatin o papatulan ng mga mamamayan.
May sapat siyang kaalaman tungkol sa mga pagbabago at pabago-bagong kalikasan ng tao, mga aral ng kasaysayan, ang papel ng mga kaisipan, at ang ekonomiya ng pamilihan.
Ang statesman ay isang tagahanap ng katotohanan, na nangangahulugang mas malamang na gawin niya kung ano ang tama kaysa sa kung ano ang maaaring sikat sa politika sa kasalukuyang sandali.
Alam mo kung saan siya naninindigan dahil sinasabi niya ang kanyang ibig sabihin at pinaninindigan ang kanyang mga sinasabi.
Itinataas niya ang antas ng pampublikong talakayan dahil alam niya ang kanyang pinagsasabi.
Hindi siya nakikibahagi sa tunggalian ng mga uri sa lipunan (class warfare) o sa iba pang mapanghati o partisanong taktika na nagpapalayo sa mga tao sa isa't isa.
Hindi niya mapang-uyam na binibili ang mga boto gamit ang perang nakuha ng kanyang mga buwis mula sa iba, at
Maaari pa niyang husgahan ang kanyang tagumpay sa tungkulin base sa kung gaano karaming batas ang kanyang pinawalang-bisa o vineto (vetoed), tulad ng kung gaano karami ang kanyang ipinasang batas.
Reading the first article of The Freeman, July – August 2012 Issue, I learned a lot about statesmanship. The article is written by Lawrence E. Reed. It is about Grover Cleveland. The article’s title is Cleveland Passed the Test of Character and Statesmanship.
Grover Cleveland
Allow me to divide the lessons on statesmanship into two sections: ideas about statesmanship and qualities of a statesman.
The ideas about statesmanship are taken from two types of sources. One is from popular but forgotten quotations penned by the writer, and the other is from the reflection of the writer himself. I found three ideas related to statesmanship:
Taxation
The first idea is about taxation. Grover Cleveland popularised the statement:
Though the people support the government, it is not the duty of the government to support the people.
This statement is considered unpopular in today’s standards. Public opinion resists this idea. The people are asking the state to provide for them. However, in order to give in to what the people ask, the government needs to expand its power and its revenue collection. Unknowingly, such a trend is not beneficial to the public in the long run. It leads to the suppression of freedom.
A related statement from Cleveland is an appropriate critique of such expansion of the government’s power:
When more of the people’s sustenance is exacted through the form of taxation than is necessary to meet the just obligations of government, such exaction becomes ruthless extortion and a violation of the fundamental principles of a free government.
Notice here that in the opinion of Cleveland, the welfare state is actually leading to “ruthless extortion” and contrary to the character of a free government. Libertarians are correct that once people see that the government takes it as its duty to support the people, instead of being happy for the “generosity” of the government, the people must be cautious and be warned. It is an indication of interventionism heading toward socialism. Furthermore, it is also an indication that the free market economy is being suppressed.
Political Loyalty
The second idea focuses on loyalty. A certain Brodsky describes Cleveland as the “rarest of political animals” whose ultimate loyalty is not to the party, but to the country. The popular saying, “Public office is a public trust”, is not merely rhetoric, but a reality for Cleveland.
Candidates' Qualification for Public Office
And the third and final idea centres on the candidates’ qualifications for public office: honesty and statesmanship. Reed describes the honesty of Cleveland as utterly incorruptible when he left office, as he was when he first assumed it.
The second qualification is that of statesmanship. When looking for a candidate for public office, voters should seek a candidate who is not simply a politician, but a statesman. Reed’s description is timely: “Every statesman is also a politician, but not every politician is a statesman.”
In a society that is becoming more and more interventionist in the passing of years, statesmanship is difficult to find among politicians. The quality of a Grover Cleveland is rare in a time when people are unconsciously heading to a socialist state. Anyway, we hope that libertarian ideas will educate an increasing number of people through the web so that appreciation of statesmanship will become part of public opinion. Here is the list of qualities of a statesman as defined by Lawrence E. Reed:
He or she doesn’t seek public office for personal gain or because it’s the only job he or she knows how to do.
He stands for a principled vision, not for what he thinks citizens will fall for.
He is well informed about the vicissitudes of human nature, the lessons of history, the role of ideas, and the economics of the marketplace.
The statesman is a truth-seeker, which means he is more likely to do what’s right than what may be politically popular at the moment.
You know where he stands because he says what he means and means what he says.
He elevates public discussion because he knows what he’s talking about.
He does not engage in class warfare or in other divisive or partisan tactics that pull people apart.
He does not cynically buy votes with the money his taxes take from others, and he may even judge his success in office as much by how many laws he repealed or vetoed as by how many he passed.
Much as I like Cleveland, I can't help but find myself more in agreement with Lysander Spooner's rebuttal to his inaugural address.