Tapos na ang pag-aaral namin sa Introduction to Guidance & Counseling sa semester na 'to. Bahagi ng requirements ay ang submission ng Reading Response. Pinagsama ko ang apat na reading responses sa artikulong ito.

Based on our discussion and my understanding, totoo nga na we are here in this fallen world at lahat ng nangyayari ay may dahilan. Kaya minsan hindi na natin maiiwasang makasakit tayo sa ibang tao o masaktan tayo ng iba. Upang makabawi, gugustuhin din natin na makasakit ng ibang tao the way kung paano din tayo nasaktan nito. At ito yung sa tingin ko ay “thornbush response.” But luckily, meron tayong Christ sa buhay natin na palaging nagre-remind sa atin na mas piliing magpatawad at umunawa na lang, at ito naman ang “fruit tree” response.
But to be honest, kahit na sabihin nating Christian tayo o may Christ tayo sa buhay, hindi pa rin natin maiwasan o hindi natin namamalayan na tayo na pala ang nakakasakit sa damdamin ng iba. Yung akala natin na simpleng situation lang ay tayo na rin pala ang nagpapalaki without realizing it. Kahit alam naman na natin ang katotohanan ay mas pipiliin parin natin baliktarin ito just to make things worse for others. Like what it says here, “it is easy to give way” to negative thoughts, and it is “easy to be more defined by our problems than by the grace of Christ.” Kaya para sa akin, mahalaga rin ang concept na “joyful discontent”. Na kahit may hindi pa nababago sa pagkatao natin ay may kagalakan parin tayo dahil sa biyaya ng Diyos satin. Pero may discontent din dahil alam nating may dapat pang baguhin sa buhay natin.
Kaya bilang servant of God or bilang tao, we'd better choose to spread the truth than lies, kasi may balik yan. At naniniwala ako na kung ano yung tinanim mo, iyon din ang aanihin mo.
Why does change begin with God’s covenant?
Batay sa pagkakaunawa ko, totoo nga naman na ang tunay na pagbabago ng isang tao ay mula sa relasyon niya sa Panginoon. Kasi hindi sapat na maghahanap lang tayo ng paraan kung paano magbago, kundi mas mahalagang maintindihan natin kung bakit kailangang magbago ang isang tao.
At ipinapakita rin na maraming uri ng pagbabago sa mundo ngayon, tulad ng politika at negosyo, pero hindi lahat ay nagdudulot ng tunay na pagbabago. Ang tunay na pagbabago ay nagmumula lamang sa mga paraan na gusto ng Diyos. Mahalaga rin ang pagtatanong ng “why” dahil nagpapakita ito ng mas malalim na katotohanan ng Bible tungkol sa kasalanan, kaligtasan, at sa ginawa ng Diyos. Tulad na lang nito, tayo’y naging makasalanan at nalayo sa Panginoon. Pero dahil nakipagtipan ang Diyos sa tao, nabigyan tayo ng pagkakataon na muling magbago.
Base sa pagkakaunawa ko sa from counterfeit hope to divine certainty ay may mag kaiba ito ng role sa buhay ng tao. Kaya isa ito sa mga nagpa-realize sa akin na hindi lahat ng “pag-asa” ay tama o makakatulong sa atin. Kasi diba, may mga taong umaasa sa trabaho, o sa sariling plano, pero kapag hindi ito umayon sa gusto natin sa kalooban ng Diyos, nadi-disappoint at na iinis tayo diba. Kaya mahalaga na yung hope natin ay nakaugnay din sa kung ano ang kalooban ng Panginoon para sa atin.
Malaki ang papel ng biblical hope, kung saan nagpapakita ito ng bunga tulad ng perseverance, kasiyahan sa kabila ng mga pagsubok, at mas malalim na relasyon sa Lord. Isa na dito yung nangyari sa akin noon. Nag-promise sa akin ang ate ko na pag-aaralin niya ako sa college. Yes, nangyari nga yon naka pag aral ako sa Lyceum of Alabang. Pero, hindi lang ako basta kumapit sa sinabi nya, kasi alam kong may anak din sya na need pag aralin. Kaya sabi ko noon, ‘Lord, if will mo na dito ako sa LOA kahit na malalayo ako sa ministry ko, magtutuloy ako dito.’ And bad things happened sa family ko, kung saan nawalan na ako ng pag-asang mag-aral ulit since yung taong dahilan ng pagsisikap ko ay nawala na. And this phrase reminds me “hindi kita pababayaan ni iiwan mag tiwala ka lang sakin”. Kaya para sa akin ang tunay na pag-asa ay hindi nakabase lang sa kung ano ang emotion natin kundi sa tamang pag-unawa sa salita ng ating Diyos at pagtitiwala sa kalooban niya.
Based sa understanding ko about “The Person-Oriented Paradigm,” ito ay nagpapakita ng tunay na pagtulong sa tao at hindi lamang nakabase sa puro payo lang. Kundi nasa tamang relation sa iyong counselee. Kasi sabi nga na, kahit anong tama ang sabihin ng counselor kung kulang ito sa malasakit at pakikipag ugnayan sa kanyang counselee maaring mag dulot ito ng hindi magandang resulta sa pag fix ng problem.
Nakita ko rin na mahalaga pala ang pagiging person-oriented, hindi lang puro problem-oriented. Kasi di ba dapat ang isang counselor ay hindi lamang sa problem ang focus kundi dapat sa kung ano ang nararamdaman, karanasan, at kalagayan ng kanyang counselee. Like for example, paano ako mag-o-open up sa isang tao kung alam ko o hindi ko makitaan ng pagmamalasakit sa kapwa niya. Ganoon din ang counselee, kapag hindi niya makitaan ng compassion, respect, at sincerity ang isang counselor, lalong hindi siya ma-mo-motivate kahit pa sabihin nating tama pa yung advice na narinig niya. Kasi diba sa compassion dapat marunong tayo makiramdam o tignang ilagay yung situation natin sa situation nya. Sa respect naman, mahalaga na dapat mahinahon sa pakikipag-usap at sa sincerity; dapat sincere ka, walang halong pagkukunwari; dapat maayos yung intention mo.
Congratulations @afacewithstory! You have completed the following achievement on the Hive blockchain And have been rewarded with New badge(s)
Your next target is to reach 900 upvotes.
You can view your badges on your board and compare yourself to others in the Ranking
If you no longer want to receive notifications, reply to this comment with the word
STOPCheck out our last posts:
Halo.
Selamat datang kembali di Hive.
Terima kasih telah mempublikasikan konten Anda dan menjadi bagian dari komunitas serta aktif di Hive. Kami senang Anda bergabung di sini!
Untuk membantu Anda memaksimalkan pengalaman Anda, saya sarankan untuk melihat panduan singkat berikut ini:
Panduan Hive 101: Hive 101
Panduan AI: Konten yang Dihasilkan AI = Bukan Konten Asli
Panduan Plagiarisme: Mengapa dan Bagaimana Orang Menyalahgunakan dan Melakukan Plagiarisme
Selain itu, silakan baca panduan penting ini tentang ancaman phishing di ekosistem Hive:
Airdrop dan Penipuan Palsu Hive
Terima kasih.