Prompts Para sa Ikalawang Linggo ng Hulyo 7-14 2024


HULYO.png

Pasensya na at hindi talaga ako masyado makapag post ngayon at makapag Hive dahil narin sa dami kong ginagawa IRL. Maliban diyan ay na adik din ako sa paglalaro ng Adventure Heroes sa Steam nitong mga araw ng aking restday kaya hindi rin ako nakakapag bukas ng aking account.

Ayun na nga, try nating maging aktibo ulit dahil mas maganda ngayong magpost. Medyo madami na akong draft pero hindi ko siya nalilinis pa.

Nagskip tayo ng isang linggo at jump na agad sa ikalawang Linggo ng Hulyo dahil late na tayo sympre. Ito ang mga prompts na naisip ko.

Hulyo 7 - Bible verse na iyong nabasa at pinagnilay-nilayan.
Hulyo 8 - Ikacancel mo ba ang iyong order online kung may error ang seller?
Hulyo 9 - Kung ikakasal ka. Okay lang ba na wala nang engagement at kasalan na agad?
Hulyo 10 - Sang-ayon ka ba na magpa #RaffyTulfo kung may problema lalo na kung tungkol sa pamilya?
Hulyo 11 - Ano ang katanggap-tanggap na gender reveal para sa iyo?
Hulyo 12 - Pinaka sulit na nabili mo online nitong mga nakaraang araw? #BudolFinds
Hulyo 13 - Plano para sa weekend.

Kung mapapansin nyo ang araw ng Linggo sa buong buwan ng Hulyo ay nilagyan ko na agad ng prompt na bible verse na pinag-ninilaynilayan o nabasa. Marami sa mga Pinoy ang Kristiyano at siyempre sabi nga diba sa kanta Read your bible everyday kaya para mas ma engganyo tayo magbasa at sympre magpost nadin at mangyari lang na ishare nyo ang inyong nabasang verse at yung learnings nadin. Malay mo diba, yung salita ng Diyos na iyong nabasa ay kailangan din pala ng iba mo pang mga readers diba?

Tingin nyo oks kaya na gawin ko nang constant yang prompt na iyan tuwing Linggo?

Yung ibang prompts ay mga napapanahon na issue na nasagap ko online nitong mga nakaraang araw. Yung sa error ng seller, maari mong maisip yung naging problema sa Tiktok ng isang online shop na nagbenta ng cellphone. Yung gender reveal naman, may nakita akong gender reveal na kumuha ng aking atensyon dahil sa nagsindi sila ng pausok sa kalsada habang nagmomotor sa hiway ( search nyo nalang) mga ganun kaya't sa tingin nyo ano ang okay na gender reveal para sa iyo?

Ayun lang muna - bawi ako sa mga susunod na araw. Yung reward nung nakaraang June nakalista pa di ko pa na sesend gawin ko sa freetime ko ulit.

Ang reward for this week ay 5 Hive parin ang pool ay ecency points.

0.57454023 BEE
8 comments

OK naman yung prompt mo na pang Sunday, para yung mga taong nakakalimot o hindi naniniwala ay mag karon naman ng tyansa na maka dinig ng Salita ng Diyos.

0.00045287 BEE

HEHHEH try langs naman kasi wala na me maisip na prompts din talaga. Tsaka madami naman tayo dito

0E-8 BEE

Ohooo, new prompts. Sa Bible verse sa totoo lang, wala ako gaanong alal, nahahalata ang di pala simba at palabasa nang bible ay anu, agiyy. Pero tingin ko maraming magugustuhan yan, lalo na mga Pilipino na laging gumagamit nang bible verses.

0.00046106 BEE

HAHHA maybe it is the right time to check para may maishare ka din malay mo dibaaaaa

0E-8 BEE

Pa-share naman ng link sa adventure heroes hehe

0.00045996 BEE

Nahirapan akong hanapin ang link haha! Halatang di nagamit ng STEAM

https://store.steampowered.com/app/1948980/Heros_Adventure_Road_to_Passion/

0E-8 BEE

May isang Bible verse lang akong Saulo talaga, Sana ma share ko. Sipagin Sana.😀😄

0.00044730 BEE

Ui okay yan! More to come.

0E-8 BEE

Susubukan ko .. 😁

0E-8 BEE

!PIZZA 🍕🍕🍕

0E-8 BEE

PIZZA!

$PIZZA slices delivered:
@juanvegetarian(1/5) tipped @tpkidkai

0E-8 BEE

Ay wow gusto ko yarn may pa-Bible verse. Ahaha. Now ko lng nabasa, sana makagawa pa. 😆

0E-8 BEE

@tpkidkai sir, pa pin naman po nito, natatabunan eh. :) TIA

0E-8 BEE